JRizal

Fuck yeah Jose Protasio Mercado Rizal Alonso Quintos y Realonda!

Managed by anti-clockwise.

Apparently a useful site.

I don’t really know since I didn’t browse through it. Find out yourself.

But you should know that I got (some of) my Rizal info from this site when I talumpati-ed him in freshman year. 8D

Tauhan ng Noli.

MGA TAUHAN NG NOLI ME TANGERE

1.Bruno Alasigan – nakababatang anak ng amang napatay sa pamamalo ng mga gwardya sibil

2. Tarsilo Alasigan – nakatatandang kapatid ni Bruno

3. Alperes – puno ng mga gwardya sibil at mahigpit na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa bayan ng San Diego

4. Andeng – Kinakapatid ni Maria Clara na mahusay magluto

5. Albino – dating semenarista na nakasama sa piknik sa lawa at kasintahan ni Victoria

6. Andong – napagbibintangang pilibustero

7. Basilio – nakatatandang anak ni Sisa na isang sakristan at tagatugtog ng kampana sa simabahan/sinasagisag ng mga walang malay at inosenta sa lipunan

8. Kapitan Basilio – kalaban ni Don Rafael sa isang usapin sa lupa

9. Balat – tiyuhin ni Elias na naging tulisan

10.  Leon – kasintahan ni Iday na nakapansing may buwaya sa baklad

11.  Kapitana Maria – tanging babaeng makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Crisostomo sa alaala ng ama at laban kay Padre Damaso

12.  Neneng – mahinhin at palaisip na kaibigan ni Maria Clara

13.  Kapitan Pablo – puno ng mga tulisan at itinuturing na ama ni Elias

14.  Don Primitivo – prinsan ni Tinchang at tagapayo ni Kap. Tinong

15.  Hermana Rufa – kampi kay Padre Damaso at laban kay Crisostomo

16.  Padre Bernardo Salvi – bagong kura ng San Deigo na pumalit kay Padre Damaso; nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara (P. Antonio Pierneviejo)

17.  Sisa – masintahing ina nina Basilio at Crispin na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit/sinasagisag ang Pilipinas na inapi at pinasamantalahan (Donya Teodora Alonzo)

18.  Sinang – masayahing kaibigan ni Maria Clara at anak ni Kap. Basilio/sagisag na tapat na kaibigan

19.  Padre Hernando Sibyla – paring dominiko na lihim na sumusubaybay sa kilos ni Crisostomo/sagisag ng tunay na simbahan

20.  Pilosopong Tasyo – maalamng matandang tagapayo ng mga marurunong na mamamayan n San Diego at gumagabay kay Crisostomo (Paciano)

21.  Kapitana Tinchang – matakuting asawa ni Dap. Tinong

22.  Victoria tahimik na kaibigan ni Maria Clara at kasintahan ni Albino

23.  Padre Damaso Vardolagas – kurang Pransiskano na nagpalipat ng ibang parokya matapos maglingkod nang matagal na panahon sa San Diego; dating kura ng San Diego na nagpahukay at nagpalipat ng bangkay ni Don Rafael sa libingan ng mga di-binyagan/sagisag ng mga taong mapang-abuso sa kapangyarihan

24.  Pedro – asawa ni Sisa na walang inaatupang kundi pagsusugal/sagisag ng mga iresponsableng ama

25.  Don Tiburcio de Espadaña – pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina/sagisag ng taong walang sariling paninindigan at prinsipyo

26.  Elias – piloto/bangkero at nagsasakang tumulong kay Crisostomo para makilala ang kanyang bayan at mga suliranin nito/sagisag ng taong naghahanap ng katarungan (Jose Rizal)

27.  Tenyente Gueverra – tapat na tenyente ng gwardya sibil; kaibigan ni Don Rafael Ibarra at nagsalaysay kay Crisostomo ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama (Jose Andrade)

28.  Tiya Isabel – pinsan ni Kap. Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara (Teodora Alonzo)

29.  Crisostomo Magsalin Ibarra – binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagtayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan sa San Diego; kababata at kasintahan ni Maria Clara/sagisag ng mga Pilipinong nakapag-aral at may maunlad at makabagong kaisipan (Jose Rizal)

30.  Don Rafael – ama ni Crisostomo na namatay sa bilangguan; kinainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe/sagisag ng taong biktima ng kawalang katarungan

31.  Don Saturnino Ibarra – lolo ni  Crisostomo at naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias

32.  Don Pedro Ibarra – nuno ni Crisostomo

33.  Iday – magandang kaibigan ni Maria Clara na tumutugtog ng alpa

34.  Nol Juan – tagapamahala sa pagpapatayu ng paaralan ni Crisostomo

35.  Kapitan Heneral – pinakamakapangyarihan opisyal ng Spain sa Pilipinas; lumakad na maalis ang ekskomunyon ni Cristostomo

36.  Alfonso Linares – malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na inirereto niya para mapangasawa ni Maria Clara (Henry Kipping)

37.  Don Filipino Lino – Bise alkalde na maraming komentaryo sa mga kasamang opisyal; Tinyente Myor na mahilig magbasa ng Latin; ama ni Sinang

38.  Lucas – taong madilaw na gumawa ng kalong magbababa sa batong ginamit sa di natuloy na pagpatay kay Crisostomo

39.  Carlicos – bayaw ni Padre Damaso na naninirahan sa Spain

40.  Crispin – bunsong kapatid ni Basilio na kasama niyang tumugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego at isa ring sakristan

41.  Donya Consolacion – asawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali

42.  Maria Clara delos Santos – mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng Sand Diego na sinasabing anak ng kanyang inang Donya Pia kay Padre Damaso (Leonor Rivera)

43.  Donya Pia Alba delos Santos – masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos magsilang

44.  Don Santiago “Kap. Tiago” delos Santos – asawa ni Pia Alba at nagisnang ama ni Maria Clara; mangangalakal na taga- Bionondo (Kap. Hilario Sunico y San something)

45.  Donya Victoriana de Espadaña – babaeng nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abt-abot ang kolorete sa mukha at maling mangastila (Donya Agustina Medel)


THANK YOU (AGAIN) JANELLA GANGAT! :))

I’ll post the table version soon, but it’ll be a scan ‘cause I’m lazy like that. :P

Akda ni Rizal

<!— /* Font Definitions */ @font-face {font-family:Calibri; mso-font-charset:0; mso-generic-font-family:swiss; mso-font-pitch:variable; mso-font-signature:-1610611985 1073750139 0 0 159 0;} /* Style Definitions */ p.MsoNormal, li.MsoNormal, div.MsoNormal {mso-style-parent:”“; margin-top:0in; margin-right:0in; margin-bottom:10.0pt; margin-left:0in; line-height:115%; mso-pagination:widow-orphan; font-size:11.0pt; font-family:Calibri; mso-fareast-font-family:Calibri; mso-bidi-font-family:”Times New Roman”;} @page Section1 {size:8.5in 11.0in; margin:.5in .5in .5in .5in; mso-header-margin:.5in; mso-footer-margin:.5in; mso-paper-source:0;} div.Section1 {page:Section1;} —>

MGA AKDANG SINULAT NI RIZAL

Dulang itinanghal sa pista ng bayan na binili ng gobernadorcilo sa halagang 2 piso (4 na taong gulang)

Sa aking mga Kabata (kapwa bata) – sinulat noong ika-8 taong gulang.

Mi Primera Inpiracion/ and Una Kong Salamisim – unang sinulat sa Ateneo inihandog sa kaarawan ng ina

La Tragedia de San Eustaquio (Ang Kasawian ni Sa Eustaquio) – dula-tulang nakasulat sa Italyano na isinatuluyang Kastila. Ito ang pinakamahabang tulang sinulat ni Rizal (2414 berso)

Memorias De Un Estudiante de Manila (1878) – aklat (kwaderno) kung saan tinipon ni Rizal ang alaala ng kanyang pinagdaanang buhay gamit ang sigasig na P. Jacinto (sa katapusan, pinirma rin ang pangalan)

A La Juventud Filipino (Sa Kabataang Pilipino) – nagpapahayag na ang Pilipinas ay bayan ng mga Pilipino at humihiling sa mga kabataan na tumuklas ng kabantugan para sa bayan. Inilahok sa timpalak-pampanitikan ni Liceo Artistico Literario de Manila, kapisanan ng magiliwin sa sining. Nagwagi ng unang gantimpala at tumanggap ng pluming pilak.

Abdel Azis y Mahoma (1879) – tulang binigkas ni Manuel Fernandez (Atenista) noong bisperas ng taunang pagdiriwang ng Araw ng Imaculada Concepcion – patron ng Ateneo

A Filipinas (Sa Pilipinas) [1880] – tulanginihandog sa samahan ng mga esultor

Junto Al Pasig (Sa baybay ng Pasig) (Dis., 1880) – dulang itinanghal ng Academy of Spanish Literature bilang handog sa taunang selebrasyon ng patrona ng Ateneo

Concejo delos Dioses (Ang Konseho ng mga Diyos) – dulang inilahok at nagwagi sa timpalak ng Artistic Literary Lyceum bilang paggunita sa ika-264 anibersaryo ng pagkamatay ni Cervantes (sumulat ng Don Quixote)

Walang pumalak dahil natalo siya nga mga Kastila

Al MRP Pablo Roman, Rector del Ateneo en sur Dias (kaarawan)- tulang naglalaman ng malabis niyang pagglang at paghangad sa pari na naging napakabuti sa kanya.

El Amor Patrio – tulang sinulat sa 2 wika sa Barcelona upang bigyang-daan ang kanyang kasabikan sa sariling bayan gamit ang ngalang Laong-Laan

Me Piden Versos (Pinatutula Ako <kasamahan>) – tulang nagpapahayag ng masidhing pananabik ni Rizal sa kanyang bayan. Nalathala sa La Solidaridad sa Barcelona noong Marso 31,1889

A Los Flores Heidelberg- tulang nagpapahiwatig ng pananabik sa sariling bayan

William Tell (Fredrick Von Schiller) – isinalin sa Tagalog upang malaman ng Pilipino ang kasaysayan ng kampyon ng kalayaan ng Swisa na nagpapakita ng pagtutol sa paniniil, panatismo at pang-aapi

La Vision del Fray Rodriguez (Ang Pangitain ni Pari Rodriguez) – sinulat bilang sagot sa sinulat ni P. Rodriguez(ang mga babasa ng nobela ni Rizal ay magkakasala) na nilimbag sa iang maliit na librito gamit ang ngalang Dimasalang.

Specimens of Tagal Folklore- artikulong ipinagkaloob kay Dr. Rost, patnugot ng Trubner’s Record kung saan ito nalathala

Sa mga Kababaihang Taga-Malolos – sinulat bilang tugon sa kahilingan ni M.H. Del Pilar na sulatan niya ang mga kababaihan ng Malolos dahil sa kanilang mahigpit na pagnanasang makapagpatayo ng isang paaralang magtuturo sa kanila ng wikang Kastila sa kabila ng pagtutol ni P. Felipe Garcia

Noli Me Tangere at El Filibusterismo – nobelang naglantad ng tunay na kalagayan ng Pilipino noong panahon ng Kastila, nagmulat sa mata ng Pilipino at humawan sa landas para sa himagsikang Pilipino na nagbigay-daan upang mawakasan ang mapaniil na paghahari ng Kastila sa Pilipinas.

Por Telefono/Sa pamamagitan ng Telepono- 2 paring naguusap tungkol sa plano sa Pilipinas na gamit ang telepono

Ang mga Magsasakang Pilipino- palakasin ang loob – Haicenda(?!) de Calambia

La Verdad Para Todos/Katotohanan Para sa Lahat

Verdades Nuevas/Mga Bagong Katotohanan

Una Profanacion/Isang Kalapastangan – bilang handog kay Mariano Hewosa dahil hindi siya binigyan ng Katolikong libing

Diferencias/Mga pagkakaiba

Filipinas Dentro de Cien Años/Ang Pilipinas Makalipas ang Isang Siglo – sanaysay- ang Pilipinas pagkalipas ng 100 taon ay lalaya galing sa US dahil sila’ay makapangyarihan (??)

Ingratitudes/Kawalang Utang na Loob

Sin Nombre/Walang Pangalan

Sobre La Nueva Ortografia dela Lengua Tagala/Tungkol sa mga Bagong Ortgograpiya ng Wikang Tagalog – diksyonaryong may isang alpabeto

Cosas de Filipinas/Mga Bagay tungkol sa Pilipinas

Sobre La Indolencia de los Filipinos/Tungkol sa Kawalang sipag ng mga Pilipino – paratang nga mga kastila – “di tamad ‘pag binigyan ng pagkakataon” – mainit na panahon kaya mabagal kumilos

Mas Sobre el Asunto de Negros/Tungkol sa Usapin ng Negros

Una Esperanza/Pag-asa

Mi Ultimo Adios/Huling Paalam- huling tulang sinulat ni Rizal sa nagsasaad ng kanyang marubdob na pag-ibig sa bayan at kapwa

IBA PANG GAWAIN:

*Sumapi sa Masonerya- samahang ipinagbabawal ng simabahang Katoliko na naglalayong palawakin ang pandaigdigang kapatiran ng tayo sa ilalim ng pagkaama ng Diyos dahil sa pagtitiwala niya sa layunin ng samahan at paniniwalang makakuha ng kasama sa pakikipaglaban sa masasamang pari sa Pilipinas. Naging Master Mason ng Lohiya Solidaridad at sumapi sa Le Grand Orient France.

*Tinistis ang mata ng ina (sa loob ng isang buwan, nagbalik ang paningin ng ina)—unang pagtitistis sa Pilipinas at nagbigay ng pangalan at katnyagan kay Rizal bilang manggagamot.

*Itinatag ang Samahang Internasyunal ng mga Pilipino na nagpasyang magdaos ng panimulang kongreso ng Paris kasabay ng International Exposition sa paniwalang ito’y magiging daan upang matawag ang pansin ng ibang tao sa daigdig anuman ang kanilang kulay, pananampalataya at paniniwala sa mga bagay na may kinalaman sa Pilipinas at maiwasto ng mga tagatalang Kastila ang mga pagkakamali tungkol sa mga ulat kasaysayan ng Pilipinas upang mangibabaw ang katotohanan at kasinungalingan

*Samahang Kidlat- tatagal lamang habang may eksposisyon sa layuning buklurin ang lahat ng Pilipino sa ibang dagat –Paris.

*Indios Bravos- (Itinulad sa Indios Bravos ni buffalo Bill)- Binuo upang ipagmalaki ng mga Indio(tawag ng Kastila sa Pilipino) ang kanilang lahi nang walang pasubali.

*Samahang RDLM (Redencion delos Malayos)- liham na samahang itinatag ni Rizal na may liham na kontrasenyas(password) dahil sa pag-aalala sa magiging kapalaran ng kanyang mga kababayan sa Pilipinas. Ang samahan ang binabalak ni Rizal na magtatag ng kolonya ng Pilipino sa North Borneo. (saba ngayon. Doon nagtatag ng samahan kakama ang mga kababayan sa Calamba)

*Nagbukas ng klinika sa HK. Dumating ang kanyang ama, sa Paciano at Silvestre Ubaldo. Sumunod ng kanyang ina (halos di na makakita), Lucia, Josefa at Trinidad. Tinistis ang mata ng ina sa ika-2 pagkakataon.*Itinatag ang La Liga Filipina (hulyo 3, 1892) sa bahay ni Doroteo Ongjunco sa Ilaya,Tondo, samahang magbubuklod sa lahat. Kabiling sa dumalo sina Apolinario Mabini at Andres Bonifacio.

*Sa Dapitan: inukol ang oras sa pagsasaka. Sa loob ng na taon, nakabili ng 79 ektaryang lupang sakahan na tinamnan ng 6000 abaca at daan-daang iba’t ibang punongkahoy. (dati: Pilipinas ang unang exporter ng abaca, bigas, copra, tabaco, niyong na pinatuyo at asukal)

Nanggamot nang libre sa mahihirap na pasyente, muling inoperahan ang mata ng Ina,

Nilagyan ng ilaw at patubig ang Dapitan.

Inayos at pinaganda ang liwasang bayan sa tulong ni P. Francisco Sanchez.

Nakipagsosyo sa isang kastilang mananalakal sa negosyo ng isda

Bumili at nagbili ng abaca.

Itinatag and Abaca Planters Cooperative Association upang maiwasan ang masamang paraan ng kumpitensya at maitakda and halaga ng abaca.

Nagpatayo ng paaralan at nagturo sa 16 na mag-aaral

Nagpatayo ng ospital

Sumulat ng Balarilang Tagalog

*Nagtuto ng 22 wika kabilang ang Kastila, Pranses, Ingles, Aleman, Latin, Griyego, Hebrew, Sanskrit, Catalan(linggwaheng pangkalye ayon sa mga Kastila), Italyano, Ulandes, Portuges, Swedish, Russian, Tsino, Nihonggo, Malayo, Tagalog, Ilocano, Bisaya, at Subanon.

THANK YOU, JANELLA GANGAT!

I HAVEN’T POSTED IN FOREVERRR.

That would be because of Linggo ng Wika. ;D Bless you, Quezon.

I’ll probably be busy with this @$#@ soon though. D: JUST WAIT FOR IT.

WAIT BAKIT AKO NAG-ENGLISH? Oh yeah, because I’m anti-Pinoy subject. Ironic, i’n it?

Pamantayan sa pagpili ng pambansang bayani:

1) isang pilipino

2) yumao na

3) may matayog na pagmamahal sa bayan

4) may mahinahong damdamin.

Pinagpilian:

1) Marcelo H del Pilar

2) Hen Antonio Luna

3) Graciano Lopez Jaena

4) Emilio Jacinto

5) Jose Rizal

3 Dahil kung bakit piniling pambansang bayani si Jose Rizal

1) Siyang ang kauna-unahang pilipinong umakit upang ang buong bansa ay magkaisa-isang maghmagsik sa mga kastila.
2) Siya ay huwaran ng kapayapaan

3)Ang mga pilipino ay sentimental o madamdamin

?? (We don’t know the header)

1) Ang kanyang buhay at mga aral ay mayroon pa ring kaugnayan at kahulugan sa ating panahon
2) ang kanyang buhay ay isang halimbawa sa pagtalikod sa kasiyahan na pansarili at pampamilya para sa pagmamahal sa bayan
3) Ipinamana niya sa atin ang kalayaan ang pakauhaw sa pagsasarili at ang kahalagahan ng ignidad at respeto sa pagkatao

((Thank you, Fel!))

Ang Batas Rizal at Pagkapili sa Bayani ng Lahi

Batas ng REpublika Blg. 1425

Batas Rizal - Hunyo 12, 1956

Naghanda: Sen. Jose P. Laurel Sr.

Ipinatupad: Agosto 16, 1956

**Pambang Kapulungan ng Edukasyon

-nagtatadhana ng pagsama sa kurikulum ng lahat  ng paaralang pambayan at pribado ng kursong nauukol sa buhay, ginawa at mga sinulat ni Jose Rizal lalo na ng Noli me Tangere at El Filibusterismo

Akto Blg. 137

-pinagtibay ni Gob. Hen. William Taft noong Hunyo 11, 1901

-nagtatakdang maging lalawigan ni Rizal ang Morong upang parangalan si Rizal

Akto blg. 1982

-pinagtibay noong Abril 19, 1910 na nagtatakda ng pagdiriwang ng kaarawan ni Rizal ng laht ng paaralan

Batas Blg. 229 ng Republika ng Pilipinas

-nagbabawal sa pagsasabong, pagdaros ng karera ng kabayo at jai-alai tuwing ika-30 ng Disyembre

-sinimulang pairalin noong Dis. 30, 1948

-ginawa ni Sen. Vicente Sotto

Hunyo 19, 1901

-unang paggunita sa kaarawan ni Rizal na ginanap sa simabahang Katoliko sa Quiapo

Implikasyon ng Kamatayan ni Rizal

-ipinakita niya na ang mga Pilipio ay handang mamatay para sa prinsipyo, tungkuli at bansa

-ang kanyang kamatayan ang nagpapahiwatig ng pagbagsak ng isang imperyo at pagsilang ng isang bansa

-pinatunayan niyang maaaring masira ang katawan ngunit ang mga pangarap at ideyolohiya ng tao ay mananatiling buhay magpakailanman

Matamo ang Kalayaan ng Bayan

-pagbabago or reporma sa edukasyon at pagpapaunlad sa agrikultura, komersyo at pangangalakal

-kalayaas sa pamamahayag at pagkakaroon ng kinatawan ng Pilipinas sa Spanish Cortes

-pag-unlad ng pambangsang pagkakaisa

Pag-aaral sa Labas ng Pilipinas (text form)


PAGLALAKBAY SA EUROPA

Mayo 1, 1882-umalis ng Calamba dala ang halagang P356, lumipat ng sasakyan pagdating ng Biñan, nakarating sa Maynila pagkaraan ng 10 oras ng paglalakbay.

Mayo 3, 1882-Nilisan ang Maynila patungong Singapore sakay ng Bapor Salvadora

Mayo 9, 1882-dumating sa Singapore, tumuloy sa otel La Paz

Mayo 11, 1882-sumakay sa Djemnah (bapor Pranses) patungong Marseilles (France), dinaanan ang Point de Galle, Colombo, Cafe’ Guardafui, Aden, tinawid ang Suez Canal ng 5 araw

Hunyo 7, 1882-dumaong sa Port Said, pinuntahan ang Liwasang Lesseps

Hunyo 11, 1882-dumating sa Naples at Sicily, naghulog ng sulat sa bayan ng Mellitus, nakita ang St. Telmo (bilangguan) at Tore ng Mansanello (palasyo royal)

Hunyo 13, 1882-dumaong sa Marseilles, tumira sa Otel Noaillees, nagpunta sa Chateau d’If (pook na kinabibilangguan ng pangunahing tauhan ng nobelang Count of Monte Cristo)

Hunyo 15, 1882-lumulan sa isang de primerang klaseng tren, huminto sandali sa Port Bou at nagpatuloy sa Barcelona


BUHAY SA BARCELONA

Tumuloy sa Fonda de España, hinandugan ng salu-salo ng mga dating kaeskwela sa Ateneo, sinulat ang El Amor Patrio, isang tula upang bigyang-daan ang kanyang kasabikan sa sariling bayan na ibinigay kay Basilio Teodoro, kasapi ng patnugutan ng Diariong Tagalog na kanilang inilathala noong Agosto 20 sa ilalim ng ngalan sa panulat na Laong-Laan sa 2 wika-Kastila at Tagalog (salin ni Marcelo H. del Pilar)

Setyembre (kalagitnaan)-nagtungo sa Madrid at nagpatala sa Central Universidad de Madrid sa kursong Medisina at Filosofia y Letras (unang Linggo ng Oktubre)

Nag-aral ng eskultura at pagpipinta sa Academia ng San Fernando at nagsanay sa Hall of Arms of Sanz y Carbonell sa pagpapalusog ng katawan.
Nagpasyang pag-aralang lubusan ang iba’t ibang partido pulitikal ng Spain.

Natatag ang Circulo Hispano-Filipino sa pangunguna ng Kastila-Pilipinong si Don Juan Atayde na di katagala’y nagsara rin dahil sa kakulangan ng pondo sanhi ng pagwawalang-bahala ng mga kasapi

Sinulat ang Me piden Versos-tulang nagpapahayag ng masidhing pananabik ni Rizal sa kanyang bayan (nalathala sa La Solidaridad sa Barcelona noong Marso 31, 1889)

Nakapagtatag ng sariling aklatan kung saan kabilang ang Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe at The Wandering Jew ni Eugene Sue-mga akdang nagtanim sa kanyang isipan ng pagkaawa sa mga tauhan dahil sa kanilang kaapihan

Hunyo 17,1883-pinalipas ang bakasyon sa Paris, pinuntahan ang mahahalagang pook tulad ng Champ Elysees, Colonne Vendome (kinalalagyan ng estatwa ni Napoleon I), Opera House, Place de la Concorde, Simbahan ni Magdalen, Simbahan ng Notre Dame at Museo de Louvre-lumang palasyo ni Francis I, pinakamahalagang gusali na pinagdarausan ng mga dula’t kababalaghan ng mga Valvis, Medicis at Sorbon

Napansin ang mga palikuran sa lansangan (Gabinet d’Aisence)

Unang linggo ng Setyembre, 1883-nagbalik sa Madrid upang ipagpatuloy ang pag-aaral

Pormal na sumapi sa Lohiya Acasia gamit ang pangalang pangmason na Dimasalang

Hunyo 21, 1884-nakapasa sa titulong Doktor ng Medisina

Hunyo 25, 1884-nagsalu-salo sa Restaurant Ingles dahil sa pagkapanalo ng mga pinta nina Juan Luna (Spolarium-unang gantimpala) at Felix Resurreccion Hidalgo (Christian Virgins Exposed to the Populace-ikalawang gantimpala) sa Pambansang Eksposisyon ng Bellas Artes. Napili si Rizal bilang pangunahing mananalumpati

Sinulat ang kalahating bahagi ng Noli Me Tangere

Humanga kay Consuelo Ortiga y Perez, anak ni Don Pablo Ortiga y Rey (dating alkalde ng Maynila noong panahon ni dela torre) ngunit pinigil sapagkat alam niyang gusto rin siya ni Eduardo de Lete kayat sinulat ang tulang A La Señorite C.O. y R.

Sumapi sa Masonerya-samahang ipinagbabawal ng Simbahang Katoliko na naglalayong palawakin ang pandaigdigang kapatiran ng tao sa ilalim ng pagkaama ng Diyos, dahil sa pagtitiwala niya sa layunin ng samahan at paniniwalang makakuha ng kasama sa pakikipaglaban sa masasamang pari sa Pilipinas. (Nobyembre 15, 1890-naging Master Mason ng Lohiya Solidaridad at Pebrero 15, 1892-sumapi sa Le Grand Orient France)

Tatlong buwang hindi tumanggap ng padalang salapi mula kay Paciano dahil sa salot at kalamidad. Ipinagbili ni Paciano ang kanyang kabayong si Csataño sa halagang P200. Nanghiram kay Valentin Ventura upang ipambayad sa Lisensyado sa Pilosopiya at Letras


BUHAY SA PARIS

Hulyo 1885-nagtungo sa Paris upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa Optalmolohiya

Unang Linggo ng Oktubre-nagpatala bilang okulista sa klinika ni Dr. Louis de Wecker-kilalang optalmologong Pranses

Kapag walang ginagawa, dumadalaw kina Luna at Hidalgo at nagsisilbing modelo ni Luna. Sa pintang Ang Kamatayan ni Cleopatra, siya ang paring taga-Ehipto at Sikatuna sa Sanduguan.

Naging abala sa pag-aaral ng Aleman, Pranses, Italyano, Polish at Griyego

Tinapos ang ikatlong-kapat na bahagi ng Noli.

Pebrero 1, 1886-umalis sa Paris upang magtungo sa Heidelberg


BUHAY SA HEIDELBERG

Pebrero 3, 1886-dumating sa Heidelberg-isa sa makasaysayang lungsod sa Alemanya, sentro ng karunungan dahil sa pinakamatandang pamantasang itinayo ng Elector na si Ruperto I (1386) at pangunahing pook ng Repormasyong Protestante. Lungsod din ng serbesa.

Nagtrabaho sa klinika ni Dr. Javier Galezonski (Polish)-dalubhasa sa sakit sa mata

Naglingkod bilang katulong sa paggagamot sa Augen Klinik-klinika sa mata ng okulistang si Dr. Otto Becker

(Pagpapatuloy: Buhay sa Berlin)

Abril 27, 1887-ibinalita kay Paciano ang pagtanggap ng Php 1000, biayaran ang pagkakautang kay Viola, nagpaalam sa mga kaibigan at nagbalita ng kanyang balak na bumalik sa Pilipinas

Mayo 11, 1887-iniwan ang Berlin patungong Dresden at Leitzmeritz

Mayo 13, 1887-nakipagkita kay Blumentritt, ipinakilala kina Sr. Jose Kromholz (pangulo ng Leitzmeritz Tourist Club), Dr. Karl Czepelak (paralitikong manggagamot) at Robert Klutzchak

Mayo 17, 1887-nagtungo sa Prague, nakilala si Dr. Willkomm-propesor sa kasaysayan sa kalikasan sa Unib. ng Prague

Mayo 27, 1887-nagtungo sa Vienna, nakipagkita kina Sr. Masner, Nordman at Norfenfals, mga kilalang iskolar at nobelista ng Austria

Mayo 24, 1887-nagbigay ng panayam kay G. Adler (reporter ng pahayagang Extra-Blatt) tungkol sa tunay na kalagayan ng Pilipinas

Mayo 25-31, 1887-nagtungo sa Lintz, Salzburg, Munchen, Nuremberg (isa sa matandang lungsod ng Aleman), Ulm, Stuttgart, Baden Rheinfall (dinalaw ang Rin waterfalls-pinakamagandang talon sa buong Europa), Schaffhausen

Hunyo 4, 1887-nagtungo ng Bern, Lousanne, Geneva, inbinalita kay Blumentritt ang pasyang bumalik sa Pilipinas

Hunyo 23, 1887-dumaan ng Turin, Milan, Venice at Florence bago nagtuloy sa Roma-lungsod ng Vaticano. Tinungo ang Capitolium, Tanpeian Rock, Palatium, Forum Romanorum, Ampitheatre

Hunyo 27, 1887-nagtungo sa Marseilles, nagsimulang maglakbay pauwi ng Pilipinas. Sa kabila ng pagpigil nina Paciano, Silvestre Ubaldo at Jose Cecilio dahil sa kaguluhang nilikha ng Noli, ngunit buo na ang pasya upang

1. tistisin ang mata ng ina
2. alamin ang katotohanan tungkol sa ligalig na nilikha ng Noli
3. alamin ang dahilan ng panlalamig at katahimikan ni Leonor Rivera
4. tulungan ang mga kababayan

Hunyo 29, 1887-nagpadala ng postcard sa mga magulang upang ibalita ang pagdating sa Pilipinas

Hulyo 3, 1887-mula sa Marseilles lumulan ng Djemnah pabalik sa Pilipinas

Hulyo 30, 1887-nakarating sa Saigon, lumipat ng bapor Haiphong patungong Maynila

Agosto 5, 1887-dumating sa Maynila, lumulan ng Bapor Binyang, lumipat ng Bapor Bakal

Agosto 8, 1887-dumating ng Calamba


SA PILIPINAS

-tinistis ang mata ng ina (sa loob ng isang buwan, nagbali ang paningin ng ina-unang pagtitistis na ginanap sa Pilipinas at nagbigay ng pangalan at katanyagan kay Rizal bilang manggagamot

-ipinatawag ni Gob. Hen. Emilio Terrero y Perinat upang alamin ang katotohanan tungkol sa subersibong kaisipan ng Noli

-itinalaga bilang tanod ni Rizal si Don Jose Taviel de Andrade

Nagpadala ng isang sipi ng Noli si P. Pedro Payo (Arsobispo ng Maynila) kay P. Gregorio Echavarria (Rector ng UST) upang suriin

Bumuo ng komiteng susuri sa aklat: P. Matias Gomez, Norberto del Prado, Fernandez Arias

Hatol sa Noli: Heretiko, lapastangan, isakandaloso sa punto ng relihiyon, laban sa pgkamakabayan, subersibo, laban sa kapayapaan, nakasisira sa pamahalaan ng Kastila at sa gawain nito sa Pilipinas sa puntong pulitikal

Ipinadala ng Gob. Hen. ang ulat ng komite matapos basahin sa Palagiang Komisyon ng Sensura na binubuo ng mga pari at karaniwang mamamayan sa pamumuno ni P. Salvador Font (Agustino, kura ng Tondo)

**Hindi ‘to notes ni Ms. O, mas maraming laman ‘to. :)) But basically, the ones she gave out are somewhere in there. Haha. :P

Thank you, Ate Alex Malto.

Part of it isn&#8217;t clear. But shut the hell up. Beggars can&#8217;t be choosers. Suck it up, Pansy. &gt;:P

**The third part sucks. I have to scan it again. Booo. View high resolution

Part of it isn’t clear. But shut the hell up. Beggars can’t be choosers. Suck it up, Pansy. >:P

**The third part sucks. I have to scan it again. Booo.

Pag-aaral sa Ibang Bansa I. View high resolution

Pag-aaral sa Ibang Bansa I.

Pag-aaral sa Ibang Bansa

PAG-AARAL SA IBANG BANSA

Kalagitnaan ng Setyembre- nagpatala sa Unibersidad Central de Madrid sa kursong Medisina at Filosofiya y Letras.

-              nag-aral ng eskultura at pagpipinta sa Academia ng San Fernando at nagsanay sa Hall of Arms and Sanz y Carbonell ng pagpapalusong ng katawan.                           -              pormal na sumapi sa lohiya Acasia gamit ang pangalang pangmason na Dimasalang.

Hunyo 21, 1884- nakapasa sa titulong Doktor ng Medisina

Hulyo 1885- nagtungo sa Paris upang ipagpagtuloy ang pag-aaral sa Optalmolohiya.

*Di niya kaagad nakuha ang lisensya sa pagiging Doktor dahil hindi pa siya nasa tamang edad.

**From Ana Cadao

***To be continued. xD

NOTE

I might spam a bunch of image files in the next few days. =))

Image files courtesy of Ate Cla Matias’ old Pinoy notebook which she lent to Francine Seno.

HELL YES REFERENCES.

Ultralite Powered by Tumblr | Designed by:Doinwork